Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH top 20 na sa COVID worldwide

0 442

Pumuwesto na sa top 20 ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ito’y matapos makapagtala nitong Huwebes ng 2,415 bagong kaso sa bansa.

Bunga nito, umakyat sa 314,079 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas: 54,294 ang active case; 5,562 ang pumanaw habang 254,223 ang nakarekober na.

Inungusan ng Pilipinas ang Pakistan, na may 312,806 kaso sa kasalukuyan, at inupuan ang ika-20 puwesto, ayon sa datos mula sa Johns Hopkins University nitong October 1, alas-6:23 ng gabi.

Nakabuntot na ang Pilipinas sa Italy na may 314,861 total COVID case.

Nangunguna pa rin sa may pinakamataas na bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo ang Amerika na may 7,233,946; kasunod ang India sa 6,312,584; at Brazil sa 4,810,935 kaso.

Samantala, ang iba pang bansang nasa top 20 ay ang: Russia – 1,179,634;

Colombia – 829,679; Peru – 811,768; Spain – 769,188; Argentina – 751,001; Mexico – 743,216; South Africa – 674,339; France – 604,031; Chile – 462,991; Iran – 457,219; United Kingdom – 455,846; Bangladesh – 363,479; Iraq – 362,981; Saudi Arabia – 334,605; Turkey – 318,663. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.