Abante Tonite Interactive

PH U-19 TEAM DUMALAWA

By
4

Nahambalos ng Pilipinas ang second straight win, tinaob ang New Zealand, 25-23, 25-13, 17-25, 25-17, at umabante na sa 19th Princess Cup 2016-Southeast Asian Women’s U19 Volleyball Championship Final Four kagabi sa Si Sa Ket, Thailand.

Unang winasiwas ng mga Pilipina sa straight sets ang Singapore noong Sabado, 25-9, 25-14, 25-23, kaya sa 2-0 win-loss record ay sampa na sa semifinals maski anu pa ang kalabasan ng laro sa Thailand ngayong ala-sais ng gabi sa wakas ng pool stage.

Si coach Francis Vicente ang natawag sa plays ng Pinay squad, na binubuo Ma. Shaya Adorador, Kathleen Faith Arado, Rachel Austero, Ria Beatriz Glennell Duremdes, Necelle Mae Gual, Mikaela Juanich, Diane Latayan, Angeline Marie Magundayao Mary Anne Mendrez, Jasmine Nabor Princess Ordonez, Seth Rodriguez, Bianca Tripoli at Jeanetter Villareal.