Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH uutang uli sa WB ng P19B

0 136

Mangungutang uli ang Pilipinas ng panibagong $400 milyon o o P19.4 bilyon sa World Bank (WB) para palakasin ang mga bangko, insurance company at ang financial sector.

Sabi ni WB Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand Ndiame Diop, pinakita ng pandemya ang kahalagahan ng matatag na financial sector kung saan marami ang nakalalahok para masuportahan ang pag-ahon ng ekonomiya at mahalaga ito para maibsan ang epekto ng iba pang mga darating na unos lalo na sa mahihirap.

Aniya, susuportahan ng bagong pautang ng WB ang pangangailangan ng pamahalaan at tutulungan din ang mga repormang isasagawa nito para maalalayan ang mga tao at mga negosyo na nagigipit ngayon.

Sabi ng WB, mabilisan ang paglabas ng pera sa pautang na ito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.