Abante Tonite Interactive

PH volleybelle nilaglag ng Kazakhs

KINULANG!

By
560

Muling nakasalap ng masaklap na kabiguan ang Philippine women’s volleyball team sa mga kamay ng Kazakhstan sa loob ng limang set 3-2 kahapon upang lalong mahulog sa classification round para sa 7th to 8th place ng 18th Asian Games women’s volleyball competition dito sa Gelora Bung Karno Volley Hall.

Halos abot-kamay na ng national squad ang panalo subalit kinapos sa maigting na ikalima at huling set laban sa world ranked No. 21 na Kazakhs 11-25, 25-22, 15-25, 25-19, 14-16.

Agad na nakapitan ng world 79th ranked Pilipinas ang abante sa pagsisimula ng krusyal na 5th set sa pagtatala ng pinakamalaki nitong abante na 7-3 matapos ang opponent’s hit error.

Abante Hiring – IT dep

Gayunman hindi nito nasustina ang laban matapos na magawang itabla ng 2010 Guangzhou Asian Games bronze medalist na Kazakhs ang iskor sa 8-all bago nakipagpalitan sa puntos at kalamangan sa Pilpinas.

Matapos itabla ang laro sa 14-all, hinataw ni Alessya Safronova ang bola para sa abante ng Kazakhstan sa 15-14 matapos ang serye ng rally bago nito blinangka ang tangka na spike ni Alyja Daphne Santiago ng Pilipinas sa sumunod na tagpo para angkinin ang panalo.

Pinangunahan ni Santiago ang Pilipinas sa 17 hits, 2 aces at 1 dig habang nagdagdag si Alyza Valdez ng 11 hits, 1 block at 11 digs. Nag-ambag si Mylene Paat ng 11 hits, 1 block at 2 aces na may 9 digs. Nagdagdag din si Maika Angela Ortiz ng 6 hits habang sina Julia Melissa Morado at Mary Joy Baron ay may 3 spikes kada isa.

Sariwa pa ang wo­men’s volley squad sa pagkakalasap ng pinakamasaklap nitong kabiguan sa pagbabalik nito sa torneo matapos ang 36 na taon sa pagtala ng 15-25, 9-25, 7-25 kabiguan sa kamay ng world No. 1 at kasalukuyang Olympics champion na China noong Miyerkoles sa quarterfinals.