Abante Tonite Interactive

PH ‘wag hayaang gawing basurahan

216

Hinikayat ng isang miyembro ng Senado ang gobyerno na patunayan sa ibang bansa na hindi tapunan ng basura ang Pilipinas.

Iginiit ng senador na dapat igiit ng bansa ang ating dignidad at co-equal standing bilang sovereign state at hindi tagatanggap ng basura ng ibang bansa.

Ginawa ni Sen. Koko Pimentel ang paha­yag matapos tiyakin ng gobyerno na ibabalik sa South Korea ang 6,500 na toneladang basura na itinapon sa Minda­nao.

“We are thankful to the South Korean go­vernment for its commitment to resolve this matter and take back the misdeclared shipment. At the same time, it’s very urgent that we direct our Bureau of Customs and rela­ted agencies to file the appropriate charges against those responsible for bringing in fo­reign trash through an illegal mis declaration of cargo,” anang senador.

Iginiit ng senador na hindi dapat kinukunsinti ang mga ganitong aksiyon at dapat itong patawan ng parusa.

Nais din ng mambabatas na magkaroon ng update sa mga basu­rang itinapon naman ng Canada noong 2013.

“As far as I’m aware, as of January 2018, the matter has yet to be resolved. The Canadian Prime Minister pro­mised to resolve the matter when he went here for the 31st ASEAN Summit in November 2017. There’s been no follow through ever since. We need immediate and concrete action on this,” dagdag nito.