Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH wala pang black fungus sa coronavirus patient

0 231

Wala pang naitatalang pasyenteng na nagkaroon ng black fungus o mucormycosis sa bansa matapos gumaling sa COVID-19 infection, sabi ng isang health expert sa ginanap na press briefing sa Malacañang.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, isang infectious disease and molecular biologist, nagpapasalamat siyang wala pang nakitaan ng black fungus sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.

Mayroon aniyang kakayahan ang mga eksperto sa bansa na ma-detect ang black fungus sa mga gumaling na COVID patient subalit sa ngayon ay wala pa silang nakitaan nito sa kanilang mga pasyente.

Napakahirap aniyang gamutin ang pasyenteng may black fungus, gaya ng naging karanasan nito sa tatlong naging pasyente sa Amerika.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The black fungus is what we call mucormycosis—and this is found in people where there immune system is very, very bad. They’re very difficult to treat,” ani Dr. Salvaña.

Unang nakita ang black fungus sa mga gumaling na COVID-19 patient sa India.

Sabi ng mga doktor, may kaugnayan ito sa steroids na ginagamit panggamot sa COVID-19 kung saan ang mga diabetic ang partikular na mapanganib dito. (Aileen Taliping/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.