Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pharma boss missing pa, luxury car sinunog

0 224

Ni Nancy Carvajal

Hindi pa rin nahahanap ang nawawalang boss ng isang pharmaceutical and medical equipment company ngunit narekober ang kanyang sinilabang luxury car sa Pampanga, ayon sa isang sabi insider.

Nakuha ng Bilyonaryo website ang mga larawan ng sunog na Land Cruiser ng nawawalang chief exe­cutive officer, na naiulat na apat na araw pa lang na nabibili bago siya Nawala gabi ng Hulyo 19.

“Investigation showed that parts of the vehicle such as doors have been removed, before it was torched,’’ sambit ng source.

Bukod sa mga larawan ay nakuha rin ng Bilyonaryo ang footage mula sa isang CCTV kung saan ipinakita ang paglapit ng messenger ng kompanya sa sasakyan ng executive sa harap ng kanyang condominium buildin­g sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Dagdag pa ng source, dalawang mamahaling relong Rolex at P5 milyong cash ang iniabot ng messenger sa pharma boss na nakaupo sa passenger side ng sasakyan.

Bagama’t naiulat na ng kanyang mga kaanak sa Philippine National Police ang pagkawala ng biktima, tikom muna ang mga awtoridad habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Bago ang pagkawala ng biktima, inutusan pa umano ng CEO ang office accountant na magpadala ng messenger para ihatid ang pera sa kanyang condo.

Inutusan din umano niya ang kanyang driver at bodyguard na manatili sa opisina dahil mag-isa siyang pupunta sa isang meeting sa BGC.

Sa ngayon ay wala pang natatanggap na ransom demand ang mga kaanak ng biktima.

Leave A Reply

Your email address will not be published.