Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pharmally boss sabit sa tangkang pagtakas ng 2 Dargani

0 158

Inamin ni Pharmally Pharmaceutical Corporation chairman Huang Tzu Yen sa Senado na inisyal siyang nag-inquire ng flight ni Pharmally treasurer Mohit Dargani patunong Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Mohit at kapatid nitong si Twinkle Dargani ay inaresto sa Davao International Airport habang papasakay ng chartered plane patungo sa Kuala Lumpur.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa pagbili ng anti-COVID-19 supply ay tinanong si Huang kung may papel siya sa pag-book ng flight ng magkapatid na Daragani at inamin nito ang preparasyon

SM SuperKidsDay Banner Ad

“As I have said, I had deep research initially for Mr. Mohit Daragni and I did not follow after. I was not the one who booked the flight, I did not pay for the flight and so I don’t know,” sabi ni Huang sa pagmamagitan ng video call.

Subalit iginiit ni Huang na wala siyang itinatago. “I stated that in the previous hearing already. I don’t know what it is to deny,” sabi ni Huang. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.