Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pharmally exec Ong pasaklolo sa SC

0 130

Nagpasaklolo sa Supreme Court (SC) ang isang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na patuloy pang nasa kustodiya ng Senado.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, hiniling ni Pharmally director Linconn Ong na mapalaya siya sa kustodiya ng Senado.

Hiniling ni Ong sa SC na ideklarang labag sa Saligang Batas ang kapangyarihan ng Senado na magdetine ng resource person na kanilang nai- contempt dahil sa pag-iwas na sagutin ang mga tanong ng komite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa mga respondent sa isinampang petisyon ni Ong sina Blue Ribbon committee chairperson Richard Gordon, Senate President Vicente `Tito’ Sotto III at Senate Sergeant-at-Arms retired Major General Rene Samonte.

Nabatid na si Ong ay nasa kustodiya ng Senado mula pa noong Setyembre 21 dahil sa pag-iwas nito na sagutin ang mga tanong sa pagdinig ng Senado kaugnay sa diumano’y overpricing ng mga medical supply na binili ng gobyerno sa Pharmally.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.