Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pharmally P1.5B kinita sa PPE tongpats – Lacson

0 87

Tiba-tiba sa kita ang Pharmally Pharmaceutical Corporation mula sa nakuhang kontrata sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM), ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Sabi ni Lacson, sa isang kontrata pa lang ay kumita na ang Pharmally ng P1.5 bilyon.

Kaya’t mahalaga umano para sa Senate Blue Ribbon Committee na matukoy kung magkano sa P42 bilyong nilipat ng Department of Health (DOH) sa PS-DBM ang napunta sa Pharmally bilang kabayaran para sa medical supply na ibinigay nito.

Batay umano sa impormasyon na ibinahagi ni Pharmally president Huang Tzu Yen sa pagdinig ng Senado noong Setyembre 10, sinabi ni Lacson na maaaring kumita ang kompanya ng P1.5 bilyon sa pag-supply ng dalawang milyong set ng personal protective equipment (PPE) na nagkakakahalaga ng P1, 910 each para sa kabuuhang P3.8 bilyon.

Ang mga set ng PPE, dagdag ni Lacson, ay binili mula sa mga Chinese supplier sa presyong P1,150 kada isa, na nangangahulugan na kumita ang kompanya ng P760 kada set.

“Kaya kailangan tingnan kung na-defraud ba ang government or taxpayer sa pakikipag-deal ng PS-DBM,” paliwanag ni Lacson.

7 kontrata nakopo

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inihayag din ni Lacson na aabot umano sa P12 bilyon ang kabuuang kontrata na nakuha ng Pharmally para sa medical supply ng gobyerno.

Batay sa datos aniya mula sa Government Procurement Policy Board, sinabi ni Lacson na napagkalooban ang Pharmally ng tinatayang pitong kontrata na nagkakahalaga ng P8,625,496,016.

Dahil dito, inatasan ng mambabatas ang mga opisyal ng Pharmally na isumite sa komite ang official records na nagsasaad ng mga kontratang nakuha ng kompanya pati na rin ang mga kaakibat na halaga.

500K surgical mask dineliber wala pang order

Nalaman din ng Senado na hindi umano sumunod sa standard procedure ang Pharmally matapos na magdeliber ng 500,000 surgical mask kahit na walang purchase order mula sa gobyerno.

“This is the very first instance that we have received the face mask during that time, nung pandemic. There was confusion kasi there was no supplier, no PO [purchase order] at that time,” sabi ni Jorge Mendoza, dating officer-in-charge ng DBM-Procurement Service Inspection Division.

Sa tanong ni Senador Francis Pangilinan kung stand procedure ba iyon, sinabi ni Mendoza na hindi. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.