Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pharmally sagasaan n’yo, wala kaming paki – Digong

0 70

Hahayaan ng Malacañang kung ano ang gustong gawin ng Senado sa Pharmally Corporation na pinagdidiskitahan ngayon ng Senate Blue Ribbon Commitee kaugnay sa mga nabiling medical equiment ng gobyerno mula sa nabanggit na kompanya.

Sa ‘Talk to the People’, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapos na ang ehekutibo sa isyu ng mga biniling medical equipment at malinaw na walang nawaldas o naibulsang pondo ng gobyerno.

“‘Yung Pharmally puwede na ninyong watak-watakin ‘yan at you do what you want kasi kami tapos na. Wala akong pakialam diyan. You can crumple ang Pharmally, wala kaming pakialam diyan,” ang Pangulo.

Iginiit ng Presidente na tama ang kanilang inorder sa kompanya at ginamit ang Bayanihan 1 sa pagbili ng mga medical equipment.

“Sa Bayanihan 1 kayo ang nagbigay ng authori­ty ng executive department even to disregard the procurement law. Tapos ngayon sabi n’yo you can take whatever measures for the fastest delivery of the things we need, ngayon you are dwelling on the procurement law asking the officials to explain of their actuations,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.