Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pharmally scam nililihis ng mga cong – Lacson

0 77

Binakbakan ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang hiwalay na pagdinig ng Kamara sa isyu ng COVID-19 pandemic response fund dahil nililihis na umano ang isyu at binabanatan ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

“It’s quite obvious na `yong House, allies ng Palasyo. And it’s now doing everything it can to, not really divert the issue, but they’re even hitting the Senate’s investigation,” sabi ni Lacson sa panayam sa ANC.

Nagsagawa ang Senado at Kamara ng hiwalay na imbestigasyon. Tinututukan ng Senado ang kontrobersiyal na kontrata na nakuha ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa gobyerno.

May pagkakataon pang binabatikos ng ilang ordering Valium http://www.gulfportpharmacy.com mambabatas sa Kamara ang panggigipit diumano ng mga senador sa mga testigo sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

“[House good government and public accountability committee] Chairman Michael Aglipay announcing na `yong Senate ginigipit `yong mga witnesses. There’s no inter-parliamentary courtesy, thrown out of the window,” sabi ni Lacson.

“Napaka-obvious naman na `yong parallel investigation ng House para lang protektahan `yong interes ng Malacañang,” dagdag ng senador.

Samantala, nilinaw ni Lacson na wala pa umanong ebidensiya na mag-uugnay kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go sa mga isyu laban sa Pharmally.

Kahit ang matagal nang pagkakaibigan umano nina Pangulong Duterte at dating presidential economic adviser Michael Yang ay hindi sapat para isangkot ang presidente sa transaksiyon na ginawa ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) sa Pharmally.

“Ang pinag-uusapan natin dito ay ano ang ebidensya and so far, talagang wala kaming hawak na ebidensya to link the President to Pharmally or even to Michael Yang, except na mayroong admission that they have been long friends even before he was a mayor,” ani Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.