Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pharmally scam `wag tantanan – Hontiveros

0 76

Umaasa si Senador Risa Hontiveros na iisponsoran at pagtitibayin bago magsara ang 18th Congress sa susunod na linggo ang Blue Ribbon Committee report kaugnay ng maanomalyang pagbili ng COVID-19 supplies ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

“Inaabangan ko pa rin, sana by next week ma-sponsor sa floor at sana ma-adopt din po ng Senado,” pahayag ni Hontiveros sa panayam sa telebisyon.

Ayon kay Hontiveros, ang imbestigasyon ng Senado sa Pharmally ay mananatiling prayoridad hindi lang sa kanya kundi ng susunod na Blue Ribbon Committee.

Noong Pebrero 2021, naglabas na ang komite na inisyal na report sa imbestigasyon sa paglipat ng P42 bilyong COVID-19 funds mula sa Department of Health (DOH) patungo sa Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS).

Ang naturang imbestigasyon ay nakapokus sa pagbili ng DBM-PS ng P8.6 bilyong halaga ng mga face mask, face shield, at Personal Protective Equipment sa Pharmally, na sa kabila ng pagiging baguhang kompanya at paid-up capital na P625,000 lamang ay nagawang makapasok ng kontrata sa gobyerno. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.