Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilCycling hanapin mga bet sa 2 event

0 91

Hahagilapin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines ang mga pambato sa 31st Asian Cycling Championhips 2021 sa Aug. 16-23 sa Rayong, Thailand, at sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam sa itatakda pang bagong petsa.

Kaugnay ito sa pagpadyak sa Clark Freeport Zone Sabado, Hulyo 10 ng PhilCycling National Trials for Road na mga hatid ng Go for Gold, Chooks-to-Go, GAC Motor, Gatorade, Versa, 7-Eleven, Le Tour de Filipinas, 7- Eleven, UBE Express Inc., Powerade, Wilkins, Coca-Cola, Shimano, Bike-X at MadCrank.

SM food to go Banner Ad

Dalalo sa flag off sina Bases Conversion Development Authority president at CEO, Secretary Vince Dizon, Clark Development Corp. president/CEO PBGen. Manuel Gaerlan (ret.), Philippine Olympic Committee at PhilCycling president, Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino at BCDA Corporate Services Group senior vice president Arrey Perez.

Uumpisahan ag 17.1-km indibidual time trial ng kababaihan sa alas-8:30 nang umaga sa two-day bikefest. Kasunod ang men’s 24.6-km ITT at ang men’s & women’s criterium sa tanghali sa Clark Parade Grounds. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.