Abante Tonite Interactive

PhilHealth babayaran ang hospital bill ng mga miyembro hanggang Abril 14

390

Tiniyak ni Philippine Health Insurance (PhilHealth) na babayaran nito ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot sa hospital ng mga miyembro na magiging pasyente ng COVID-19 hanggang sa Abril 14, 2020.

Gayunman, sinabi ni PhilHealth Pres. Ricardo Morales na pagkatapos ng nabanggit na petsa ay magpapalabas ng bagong guidelines ang Philhealth.

Nabatid kay Morales na pagkatapos ng Abril 14 ay sasagutin pa rin naman PhilHealth pero base na sa `recomputed case rate.’

“The reason for this accommodation window is due to the novelty and the wide range of severity of the disease in the country for which no existing case rate or package based on accepted protocols has yet been established,” ayon kay Morales.

“PhilHealth is confident that by the above mentioned date, more about the behavior of the disease in the Philippines can be learned, a final protocol established, and an appropriate case rate can be developed that will provide adequacy and sustainability to the anti-COVID-19 campaign.” dagdag pa ni Morales.

Sa bagong guidelines, magkakaroon na ng package rate para sa sakit na COVIF-19.

Tonite – Wendys Inhouse Ad