Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth circular hanap sa pasyenteng nasa tent

0 235

Kinalampag ng isang kongresista ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para maglabas ng circular hinggil sa benepisyong matatanggap ng mga COVID-19 patient na nasa hospital tent.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, hindi sapat ang salita ni PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran na babayaran ng ahensya ang gastos ng mga COVID-19 patient.

“It is not indicated in the guidelines,” punto ni Brosas.

Ayon kay Brosas, lalong pinahihirapan ng PhilHealth ang mga naghihirap nang pasyente sa kanilang walang lamang salita.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Iginiit ito Brosas dahil sa ulat na ilang ospital ang naniningil ng P1,000 kada oras sa mga COVID-19 patient na naghihintay sa mga itinayong tent at sinasabing hindi ito saklaw ng PhilHealth package.

Una nang nilinaw ni Gierran na ang mga pasyente sa tent at bahagi ng “in-patient care” ay dapat saklaw ng kasalukuyang “in-patient COVID-19 package”. Ang mga serbisyo lamang umano sa non-accredited community isolation unit tent ang hindi saklaw sa ilalim ng umiiral na regulasyon.

Giit naman ni Brosas na walang malinaw na patakaran ukol dito. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.