Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth dedma sa Zambo hospital scam

0 125

Ni Nancy Carvajal

Patuloy ang pagbabayad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Eastern Sun Medical Diagnostic Center (ESMDC) ng milyon-milyong halaga bilang reimbursement kahit nadiskubre na ng ahensya ang pandaraya sa kanila ng naturang ospital sa isinagawa nilang sariling imbestigasyon, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) report.

Ayon ksy NBI officer on case Jenomar Tandong, sa phone interview ng online news site Politiko (politics.com.ph), bigo ang mga opisyal ng PhilHealth na patigilin ang reimbursement ng ESMDC na nakabase sa Zamboanga City, sa kabila ng matibay na ebidensya hinggil sa pandaraya at iba pang iligal na gawain nito laban sa ahensya.

Nabatid na noong 2014, inimbestigahan ng PhilHealth Region IX ang ESMDC hinggil sa mga pekeng claim nito at seryosong paglabag sa mga panuntunan ng ahensya ng mga may-ari at opisyal ng ospital.

Isinumite ang resulta ng imbestigasyon sa Prosecution Department ng PhilHealth National para sa pagsasampa ng kaso.

“After investigation Philhealth Region 9 submitted its findings

primarily for filing of case,” ani Tandong.

Sa kabila aniya nito, nagpatuloy pa rin ang operasyon ng ESMDC ganundin ang pagtanggap nito ng kabayaran mula sa PhilHealth.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katunayan umano, binayaran pa ng PhilHealth ang ESMDC ng halagang

P39,757,547.99 o halos P40 milyon noong 2015 kahit isinumite na ng local office ang record nito sa punong tanggapan ng PhilHealth. Kapansin-pansin pa aniya na ang halagang binayaran sa ESMDC ay pareho ng binayaran sa nasabi ring ospital noong 2014.

Ayon sa NBI, ang ESMDC na nakabase sa Siocon, Zamboanga City ay tumanggap ng kabuuang P92 milyon mula sa PhilHealth sa loob ng limang taon, mula 2013 hanggang 2018, matapos manipulahin ang medical record ng mga pasyente nila sa mga isinagawang medical mission.

Nagsampa na ang NBI ng kasong syndicated estafa noong 2019 laban sa mga may-ari at opisyal ng ESMDC sa City Prosecutor’s Office subalit hanggang ngayon hindi pa naglalabas ng resolusyon ang piskalya hinggil sa nasabing kaso.

Inirekomendang kasuhan sina Ceasar C Soriano, Dr Fidel Pondevida

Jr., Tasnemah A. Pangandaman, Dr Kristine Prayon, Dr. Rukmini A. Alip

at Dr. Cynthia Soriano Superable.

Nabatid pa na patuloy pa rin ang operasyon ng ESMDC kahit naglabas na ng resolusyon ang pamahalaang lokal para ipasara ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.