Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth ‘big fish’ puntiryahin

0 65

Dapat hulihin ni newly appointed Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at chief executive officer Dante Gierran ang “big fish” na sangkot sa korapsiyon sa ahensiya, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

“As a former NBI director umaasa ako na at the very least, alam ni Mr. Gierran na he has to hit the ground running at alam niya na ang dapat managot ay dapat panagutin,” pahayag ni Hontiveros sa panayam sa ANC.

“He has to hit the ground running by going after the big fish,” dagdag pa nito.

Bilang dating National Bureau of Investigation (NBI) director, umaasa din si Hontiveros na mabubuwag ni Gierran ang ‘mafia’ sa PhilHealth. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.