Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth: Job applicant `di libre swab test

0 105

Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi pa kasali ang mga naghahanap ng trabaho sa listahan ng mga puwedeng bigyan ng libreng swab test.

Inihayag ito ng ahensiya kasunod ng mungkahi ni Senador Sonny Angara na dahil may mga kompanyang hinihingi ang swab test resulta ng mga aplikante ay dapat gawing libre na ito para sa mga naghahanap ng trabaho.

Sa ngayon ay nagkakahalaga mula P3,500 hanggang P5,000 ang swab o RT-PCR test.

Subalit sinabi ni PhilHealth spokesperson at vice president for corporate affairs Dr. Shirley Domingo na maaari nilang pag-aralan ang mungkahi ni Angara batay sa pinaiiral na polisiya ng ahensiya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinaliwanag ni Domingo na mayroong priority group ang Department of Health (DOH) para isailalim sa swab test at kung mapasok ang mga naghahanap ng trabaho sa listahan ay maaari naman nila itong ikonsidera.

“Ang mungkahi na ito ng senator ay basta mapasok po sila sa priority groups, why not, puwede rin po iyon `no. So depende iyon sa magiging resulta ng pag-aaral ng policy natin,” sabi ni Domingo sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.

Sumusunod lang umano ang PhilHealth sa pambansang polisiya sa COVID test na ang gumagawa ay ang DOH.

“Ang DOH ay mayroong priority groups na dapat i-test kasi alam po natin na hindi pa sapat para sa lahat ng Pilipino ang magpa-test,” ani Domingo. (Aileen Taliping/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.