Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth kaltas sa mga OFW haharangin

0 471

Pumalag ang isang mambabatas sa itinakdang mandatory premium contribution ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga overseas Filipino worker (OFW) na umaabot diumano sa P38,400 kada taon.

Dahil dito, muling iginiit ni Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, ang pagpapatupad ng malakawang reporma sa PhilHealth.

“For OFWs, it’s too expensive. And the question is very simple: what do they stand to gain from PhilHealth contributions when they can’t go to Philippine hospitals abroad?” ayon kay Salceda.

Tinutukoy ni Salceda ang mandatory contribution aniya sa mga OFW bago sila payagang makaalis ng bansa para magtrabaho.

“That’s more expensive, frankly, than most general life insurance coverages. And for what? It is literally impossible for an OFW to avail of Philhealth coverage while abroad. So, it’s literally for nothing on their end,” giit pa ng kongresista.

Kung kaya’t pursigido si Salceda na muling ihain sa pagbukas ng 19th Congress ang mga panukalang pagbabago sa buong sistema ng PhilHealth.

Sinabi ni Salceda na ihahain niya ang panukalang PhilHealth Reform Act para ireporma ang ahensiya at bigyan ng exemption ang mga OFW sa pagbibigay ng kontribusyon at paniningil ng P100 kada buwan para naman sa mga minimum wage earner.

Dagdag pa ni Salceda na makikipag-ugnayan siya sa uupong kalihim ng Department of Health at kay incoming Finance Secretary Benjamin Diokno sa isyu ng pagreporma sa PhilHealth. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.