Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth kinalampag ni Poe

0 190

Matapos ang masayang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, mukhang kalungkutan ang sasalubong sa atin sa taong 2022 dahil sa nagbabadyang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Babala pa ng ilang eksperto, posibleng mas malaki ang bilang ng tatamaan ng coronavirus sa surge na ito kumpara noong nakaraang taon kung saan higit sa 20,000 ang nagpopositibo kada araw.

Kung naging mabagsik ang Delta variant noong nakaraang taon, mas nakakahawa naman ang Omicron variant dahil ang isang nagpositibo ay kayang makapanghawa ng 16 katao. Hindi pa malinaw kung mas nakamamatay ang variant na ito.

Ngayon pa lamang, dumadami na ang naoospital at lolobo na naman ang bayarin ng Philippine Health Insurance Corp. sa mga ospital. Mabuti na lamang at hindi tinuloy ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) ang PhilHealth holiday nitong Enero 1 hanggang 5.

Sa kabila nito, nanawagan si Sen. Grace Poe sa PhilHealth na bayaran na ang pagkakautang nila sa mga public at pribadong ospital sa bansa upang maiwasan ang napipintong krisis sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa publiko.

“PhilHealth should no longer waste time on immediately settling its obligations with hospitals, for the sake of preserving a healthy climate in the government’s efforts to look after the welfare of its citizens,” giit ni Poe.

SM food to go Banner Ad

Noong Disyembre ng nakaraang taon, kumalas sa PhilHealth ang Iloilo Directors’ Hospital, The Medical City-Iloilo, Metro Medicus Medical Center, Iloilo Hospital and Medical Center Inc., St. Paul’s Hospital of Iloilo, Qualimed Hospital-Iloilo at Iloilo Mission Hospital.

Higit sa kalahating bilyong piso ang pagkakautang ng PhilHealth sa mga nasabing ospital sa Iloilo kaya naisipan nilang huwag nang mag-renew ng akreditasyon dahil hindi naman sila nababayaran ng state insurance firm.

Bukod dito, nais ni Poe na eksperto sa finance ang dapat namamahala sa PhilHealth at hindi isang taong naupo lamang dahil sa koneksyon sa appointing authority.

“It makes perfect sense for PhilHealth to be headed by one who is also adept in finance. We have no lack of brilliant experts who have background in both public health and finance, particularly those with Masters in Public Health,” saad ni Poe.

“A true public health and finance expert must be at the helm of PhilHealth, not just any bureaucrat with close ties to the appointing authority,” dugtong pa niya.

Wala namang masama kung sundin ng Pangulo ang suhestiyon ni Poe at ng iba pang senador. Ang masama ay yung patuloy na nagkakalat ang mga taong nakaupo sa PhilHealth ngayong may COVID pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.