Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth kulelat kaya buwis buhay dialysis patient – Ako Bicol

0 118

Kinalampag ni Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) dahil sa mabagal umano nitong kilos sa pag-isyu ng interim circular kaugnay sa expanded dialysis coverage.

Ayon kay Garbin dahil sa kabagalan ng Philhealth ay marami nang pasyente ang namamatay. Aniya, “PhilHealth must work faster on that circular it promised about dialysis coverage for up to 144 sessions up to end of this year.”.

SM food to go Banner Ad

Mahigit dalawang linggo na umano ang nakalipas nang ianunsiyo ng pamunuan ng PhilHealth ang ukol sa pangako nito para sa dialysis treatment ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring circular.

Hindi na umano kailangan hintayin ng PhilHealth ang 2021 budget bill para mag isyu ng interim guideline and procedure para sa expanded dialysis coverage dahil maaari naman aniyang i -update ang naturang circular pagdating ng Enero base sa 2021 budget funding ng ahensiya.

“Patients and hospitals are reeling from the effects of delayed remittances from PhilHealth to the hospitals for medical services already rendered. PhilHealth must work better because there are life and death consequences when PhilHealth fails to act in time,” dagdag ni Garbin. (Eralyn prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.