Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth mafia whistleblower kinasuhan ni Morales

0 61

Naghain ng reklamong cyber libel ang nag-resign na si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) chief Ricardo Morales laban sa dating anti-fraud legal officer ng ahensya na si Thorsson Montes Keith na nag-akusa sa kanya ng korapsyon.

Nitong Biyernes hinail ni Morales ang reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office. Ayon sa dating opisyal, siniraan siya ni Keith sa media matapos niya diumanong tanggihan ang aplikasyon ng huli para sa dalawang posisyon sa PhilHealth, una ang executive assistant at regional vice president.

SM food to go Banner Ad

Matatandaan na nag-resign si Keith sa PhilHealth nitong Hulyo dahil umano sa korapsyon, matapos nito inakusahan niya si Morales na diumano’y nag-aalaga sa sindikato sa ahensya na nagnakaw ng P15 bilyon sa pondo, mariin itong tinanggi ni Morales.

“Respondent Keith fabricated lies against me and the other officers of PhiHealth and baselessly claimed that we were responsible for supposed corruption in the said organization,” ani Morales.

Leave A Reply

Your email address will not be published.