Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth may libreng swab test sa senior

0 85

Walang babayaran ang mga senior citizen at iba pang indibidwal na delikadong mahawa sa COVID-19 kapag nagpa-swab test dahil libre ito sa ilalim ng programa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Inihayag ito ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña sa isang radio interview kung saan sinabi nito na ang saklaw ng libreng COVID-19 testing package ay nakalista sa guideline ng Department of Health (DOH).

“Ito po ay nakatalaga sa mga kababayan natin na nakalista sa DOH guidelines nung mga at risk na mga kababayan natin, meaning sila po `yong nangangailangan ng COVID-19 testing using swab test,” ani Baleña.

Inihayag din nito na mayroon silang 105 accredited testing laboratory na puwedeng magsagawa ng libreng swab test sa mga pasyenteng kuwalipikado sa COVID-19 testing package ng ahensya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.