Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Philhealth may P71.4 B subsidiya

0 59

Makakatangap ang Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ng P71.4 billion taxpayer subsidy sa susunod na taon.

Ayon ito kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, chair ng House committee on public accounts.

Umaasa naman si Defensor na sa bagong liderato ng Philhealth ay magagamit ng maayos at tama ang subsidiyang nakapaloob sa proposed budget para sa susunod na taon.

“We hope that the new leadership of Philhealth will use the funds judiciously,” ayon kay Defensor.

Bukod umano sa annual subsidy mula sa taxpayers, nakakakolekta ang PhilHealth ng mahigit P100 bilyon kada taon sa kontribusyon ng mga miyembro.

“The subsidy is used mainly to cover non-contributory Filipinos like the poor, those without jobs and senior citizens. That is the mandate of the Universal Health Care Law,” paglilinaw ni Defensor. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.