Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth member binayaran fee kahit ‘di nagpagamot

0 141

Iniimbestigahan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang insidente sa isang miyembro nito na nakatanggap ng benefit payment notice na nagsasaad na gumastos ang ahensya para sa kanyang pagpapaospital, kahit pa hindi naman ito nagpagamot.

Sa isang ulat, kinilala ang PhilHealth member na si Nenita Gabato na noong Oktubre 2019 umano ay natanggap ang notice na nagsasabing nagbayad ang PhilHealth ng abot sa P18,000 para sa pagpapaospital nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakasaad sa nasabing notice na P9,600 ay napunta para sa hospital charge, habang P8,400 naman sa professional fee.

Sa panayam kay PhilHealth spokesperson Rey Baleña, sinabit nitong iniimbestigahan na ang naturang pangyayari. “Sa kaso ni ma’am Nenita, lumalabas na base sa kanyang salaysay ay wala naman siyang naging availment noong nakaraang taon maliban sa pagpapabunot ng isang ngipin,” lahad ng tagapagsalita ng PhilHealth. “Kaya ang bagay na ito ay amin nang iniimbestigahan.”

Ayon pa kay Baleña, titingnan din kung may pagkakamali ang pasilidad kung saan nanggaling ang naturang benefit claim. Siniguro naman ng PhilHealth na magagamit pa rin ni Nenita ang kanyang mga benepisyo sa state health insurer. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.