Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth-Morales sisingilin ni Galvez sa atraso

0 345

Nakatakdang kausapin ni National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. si Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) president Ricardo Morales kaugnay sa reklamo ng mga pribadong ospital na hindi pa nabayaran ng ahensiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na marapat lamang na maayos ang isyu para magtuloy-tuloy ang serbisyo sa mga pasyenteng miyembro ng Philhealth pati na rin ang mga tinamaan ng COVID-19.

“Ang alam ko po si National Implementer will have discussions with General Morales. Importante na ang mga hospital will have confidence to admit COVID patients dahil alam nilang mababayaran naman sila ng case rates for COVID,” ani Roque.

Nauna rito, inihayag ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) na nahihirapan umanong kumubra sa PhilHealth ang ilang ospital at napilitang mag-emergency loan dahil sa kakapusan ng pondo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.