Abante Tonite Interactive

PhilHealth nilinaw ang reklamo ng OFW

0 282

Nagbigay linaw ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa reklamo ng isang overseas Filipino worker (OFW) hinggil sa ginawa umano ng ahensya nang mag-file siya ng claim para sa kanyang operasyon.

Sa pahayag ni PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley B. Domingo, tinukoy nito ang artikulo na lumabas sa Abante Tonite noong Agosto 2 tungkol sa PhilHealth claim ng OFW na si Aless Andre Ison.

“Nabanggit sa nasabing artikulo na si G. Ison ay naoperahan sa nasabing bansa upang lagyan ng ‘stent’ o maliit na tubo ang kanyang aorta o ugat sa puso noong Abril 2019. Ayon sa kaniya, siya ay nakakuha lamang ng P9,700 mula sa PhilHealth bilang claim reimbursement at hindi man lang umabot sa P500,000 sa ilalim ng Z benefit package,” ayon kay Dr. Domingo.

Nilinaw ng opisyal na ang Z benefit package ng PhilHealth ay para sa coronary artery bypass graft (CABG) na nagkakahalaga ng P550,000 ay iba sa isinagawang operasyon kay Ison.

Sabi ni Dr. Domingo, ang CABG ay maaaring i-avail lamang sa mga contracted na pasilidad ng PhilHealth sa Pilipinas.