Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth opisyal sa scam sibakin

0 330

Hindi ko alam kung maniniwala ako, matatawa o maiinis kay PhilHealth vice president for corporate affairs and spokesperson Dr. Shirley Domingo noong isang araw nang sabihin nito na hindi daw organized ang korapsiyon sa ahensiya.

“There is no organized corruption” daw sabi ni Domingo bagkus ‘scattered’ lang daw ang katiwalian sa PhilHealth.

Ibig sabihin ni Domingo, sa baba lang o iyong ilang maliit lang na empleyado lang daw ang gumagawa ng katiwalian at wala daw malaking corruption syndicate sa ahensiya.

Pero madaling sabihin iyon para sa isang spokeperson na idepensa ang mga opisyal na inaakusahan na sangkot sa iregularidad sa PhilHealth. Kung matibay naman ang ebidensiya na talagang mag-uugnay sa top officials sa anomaly, , tiyak mahirap na niyang depensahan iyon.

At least honest naman ang tagapagsalita ng PhilHealth na may nangyayaring katiwalian sa ahensiya. Kahit sabihin niyang ‘scattered’ang korapsyon, mali pa rin.

Ika nga ni Senate President Vicente Sotto III, “Corruption is corruption whatever term you want to describe. Organized or not, it still corruptin”. Well, tama naman si SP Sotto.

Expected nang sasabihin ni Domingo. Siyempe, alanganan namang ilaglag niya ang opisyal na sangkot. Hindi di ba? Iyan kasi ang trabaho niya. Posible ring wala siyang masyadong alam sa alegasyon ng katiwalian sa Philhealth.

Nakakalungkot lang na kahit ilang beses nang nagpalit ng mga opisyal sa PhilHealth hindi pa rin matigil-tigil ang iregularidad sa ahensiya.

Hindi ba’t bago naitalaga si General Ricardo Morales sa PhilHealth noong nagdaang taon, nagkaroon na rin ng imbestigasyon ang Senado sa anomalya tungkol sa ‘ghost’ dialysis scam noong 2019 kung saan sangkot ang WellMed Dialysis Center.

Ang siste doon, naghahain ang dialysis center na ito ng ‘ghost’ claims at inaaprubahan naman ng PhilHealth. Biruin mo kahit patay na nakakapag-claim sa PhilHealth.

At ngayong taon naman, heto’t magpasabog ang ilang ilang dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth tungkol sa panibagong katiwalian sa hansiya, partikular ang reimbursement mechanism, ang overpriced IT project at manipulation ng financial status ng ahensiya.

Hindi lang isa, kundi tatlo pang witness ang pumiyok tungkol sa hindi nilang masikmurang katiwalian sa PhilHealth. Ang sabi ng Senado may ebidensiyang ilalatag ang mga testigo at mismong nanggaling din sa loob ng ahensiya ang dokumento.

So, hindi masasabing imbento o talagang pinag-iinitan lang ng Senado ang PhilHealth sa isyu ng korapsiyon dahil hindi naman sila mag-iimbestiga kung lumapit sa kanilang mga testigo na pawang mga dati at kasalukyang opisyal ng ahensiya.

Bale nakadalawang pagdinig na ang Senado sa alegasyon ng korapsiyon sa PhilHealth. Posibleng masundan pa ito depende kung may lulutang pang testigo na magdiin sa mga opisyal sa sinasabing “mafia” sa PhilHealth.

Ang imbestigasyon naman ng Senado, in aid of legislation lang. Pagkatapos ng pagdinig, gagawa sila ng committee report at ipapadala nila sa Malacanang.

May rekomendasyon na ilalagay ang Senate Committee of the Whole sa kanilang committee report na magiging basehan kung dapat bang kasuhan ang mga opisyal ng PhilHealth na sangot sa katiwalian.

At kung magawa iyon na Pangulo na kasuhan or sibakin ang mga opisyal na napatunayang sangkot sa iregularidad, pihado matutuwa ang mamamayan sa hakbang na iyon ng Pangulo. Sana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.