Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth: Pang-areglo sa Red Cross nasa DBM

0 59

Nakahanda umano ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ngayon buwan ang aabot sa P1 bilyong pagkakautang sa Philippine Red Cross (PRC) para makabalik na ito sa pagsasagawa ng COVID-19 test.

Sinabi ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña na hinihintay na lamang ang clearance mula sa Department of Budget and Management (DBM) para mabayaran ang utang.

“Kamakailan nga ay pinahayag na meron tayong balanse na kulang-kulang isang bilyon at ito ang sa kasalukuyan ang hinihingan namin ng clearance muna,” sabi ni Baleña sa panayam sa radyo.

Umaasa umano ang PhilHealth na maibibigay na ngayong linggo ang hinihingi nilang clearance sa DBM.

Una nang inihayag ng PRC na magpapatuloy sila sa COVID-19 test para sa PhilHealth kapag nabayaran nito ang overdue balance na nasa P930,993,000. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.