Abante Tonite Interactive

PhilHealth post inalok ni Duterte sa negosyanteng doktor

0 322

Isang doktor at matagumpay na negosyante ang napipisil ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamuno sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kasunod ito ng naging utos ng Pangulo sa mga miyembro ng PhilHealth Board at maging kay actin­g President Dr. Roy Ferrer na magsumite ng courtesy resignation dahil sa nabunyag na iregularidad sa pondo ng ahensiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na nabanggit ng Pangulo sa cabinet meeting nila noong Lunes nang gabi na napipisil nito si Dr. Jaime Cruz.

Abante Hiring – IT dep

“Si Dr. Jaime Cruz. He is waiting for the response of doctor Jaime Cruz after an offer I think he made to him,” ani Panelo.

Si Dr. Cruz ay isang medical doctor at presidente ng JTC Corporation na nagmamay-ari ng iba’t ibang food chain stores sa Metro Manila at Davao City kabilang na ang Red Ribbon at franchise owner ng Jollibee.

Gayunman, sinabi ng kalihim na wala pa siyang impormasyon kung tinanggap na ni Cruz ang alok ng Pangulo..(Aileen Taliping/Prince Golez/Juliet de Loza-Cudia)