Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth sinuba P700M ng Red Cross

0 170

Posibleng itigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagawa ng COVID-test matapos idaing na hindi binabayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang utang na P700 milyon sa kanila.

Sa panayam sa radyo kay PRC chairman at Senador Richard Gordon nitong Sabado, sinabi niyang hirap na hirap na ang mga tauhan ng kanilang organisasyon dahil pataas nang pataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, ang gobyerno mismo ang lumapit sa PRC para tumulong sa pagte-test dahil hirap na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa pagsasagawa nito.

“Lahat halos OFW kami nagte-test, gastos ng gobyerno ‘yan, ang kontrata namin dahil alam ko mahirap singilin ang PhilHealth sabi ko mag-advance kayo ng P100M ‘yan naman ay susuklian namin agad ng test results,” ani Gordon.

Matapos aniya ang advance payment na P100 milyon ay hindi na nagbayad pa ang PhilHealth sa PRC kaya umabot na sa P700 milyon ang hindi nabayaran sa kanila. Sakali aniyang hindi pa magbayad ang PhilHealth ay ititigil muna ng PRC ang kanilang COVID-19 testing.

“Sabi ko pag ‘di kayo nagbayad titigil ko muna ang test. `Di naman negosyo sa amin ‘yan pero ‘di kami pwede malugi,” aniya.

“Di ko maintindihan sabi babayaran nila ‘di naman nagbabayad. Ang reco [recommendation] namin tigilan muna dahil baka masunog ang buong Red Cross,” sabi ni Gordon.

“Sabi ko Monday pag ‘di kayo nagbayad ng Monday titigil ko muna,” aniya pa. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.