Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth sumuka ng P225M sa 5 Davao Hospital

0 148

Ni Nancy Carvajal

Simula pa 2017 mga ospital na sa Davao ang may pinakamaraming bilang umano ng fraudulent claims at patuloy na tumatanggap ng milyong-milyong kabayaran mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kabila ng negatibong report laban sa kanila sa pamamagitan ng Machine Learning Identification Detection and Analysis System (MIDAS), ayon sa mga dokumentong napasakamay ng online news site Politiko (politics.com.ph).

Kabilang umano sa mga ospital na nakabase sa Davao ay ang Aquino Medical Specialists Inc., Bishop Joseph Regan Hospital, Good Shepherd Hospital of Panabo, Medical Mission Group Hospital, at Tagum Doctors’ Hospital Inc.

Ipinakita rin sa MIDAS data na mula sa 6,035 insurance claim ng mga ospital ay 2% o 120 pasyente lamang umao ang qualified na makatanggap ng PhilHealth payment na P15,000 kada isa para sa sakit nilang

Diabetic Ketoacidosis o DKA.

Base pa rin sa mga nasabing dokumento, nakatanggap umano ang mga nasabing ospital ng kabuuang P95,353,000.00 mula sa PhilHealth sa halip na P189,600 lamang para sa mga qualified patient noong 2019.

“It was found out that 98% of the claims did not have laboratory evidence for ketosis nor acidosis to support DKA diagnostics,” ayon sa MIDAS report.

“Given these findings, we can infer a significant number of claims from outlier facilities and HCP’s do not meet the requirements for the diagnosis of DKA and could have upcased most of the claims,” base pa sa ulat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginamit ang MIDAS pra ma-detect ang mga `anomalous pattern’ sa mga rehiyon na mayroong mataas na PhilHealth claim.

“Region X1 had the highest slope in terms of growth. Analysis would reveal a very large difference between Region X1 compared to all regions,” sabi pa sa ulat.

Sinabi pa na mula nang ipatupad ng PhilHealth ang all-case rate payment noong 2014 ay umabot ng P30 milyon ang binayaran ng ahensya para sa mga DKA claim simula 2005.

Sa kabuuan ay umabot na umano sa P225 milyon ang binayaran ng PhilHealth.

Samantala, sa panayam ng Politiko sa isang source, sinabi nito na mayroon umanong “backing” ang mga ospital ng “Mindanao group executives” sa loob ng PhilHealth.

“Reports and recommendations were submitted to recover the amount and enforce sanctions to erring facilities and professionals, but they were never acted upon due to the influence of the Mindanao group,” ayon pa sa source.

Dagdag pa nito na isang miyembro ng grupo na kasalukuyang nanunungkulan bilang PhilHealth executive ay nagpakilalang kamag-anak umano ni Undersecretary Jesus Melchor Quitain.

“He recruited people from headquarters to join the group, but were politely declined,” sabi pa ng source sa Politiko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.