Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth tinengga P1B utang sa Medical City

0 289

Kakalampagin ng Malacañang ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHalth) kaugnay sa mga hindi pa nababayarang pagkakautang sa mga pribadong hospital.

Ito’y matapos iparating sa Malacañang ang ulat na hindi pa nababayaran ng PhilHealth ang P1 bilyong utang nito sa Medical City na dapat mabayaran hanggang Disyembre 2020.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tatanungin niya si Philhealth president Dante Gierran sa status ng mga binabayarang utang ng ahensiya sa mga pribadong ospital.

Namimiligro aniyang malagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng publiko kapag hindi hindi na tumanggap ng pasyenteng miyembro ng Philhealth ang Medical City.

Aniya pa , isa ang Medical City sa mga tumutulong sa gobyerno para matugunan ang pandemya kaya malaking problema kapag tumigil ang mga ito sa pagtanggap ng pasyenteng may COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.