Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth utang hihimayin ng Kongreso

0 219

Pina-iimbestigahan ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung paano ginagamit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pondo nito gayundin ang hindi pa nababayarang mga hospital claim.

Sa isang privilege speech nitong Lunes, sinabi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na maghahain siya ng dalawang resolusyon upang suriin kung paano ginagamit ng PhilHealth ang pondo nito na galing sa kontribusyon ng mga miyembro at dinadagdagan pa ng national government.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinaiimbestigahan din ni Quimbo kung ano na ang nangyari sa hindi nababayarang obligasyon ng PhilHealth sa mga ospital dahil nakakaapekto umano ito sa kampanya ng gobyerno kontra COVID-19.(Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.