Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilID aprub sa transaksiyon – DILG

0 95

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa na kilalanin ang Philippine Identification (PhilID) card bilang single requirement sa lahat ng transaksiyon sa Pilipinas.

Naglabas si DILG Secretary Eduardo Año ng memorandum na nag-aatas sa lahat ng local government na tanggapin ang national ID bilang “proof of identity” at hindi na kailangan pa humingi ng karagdagang dokumento sa mga transaksiyon ng publiko.

SM food to go Banner Ad

Hinikayat din niya ang pribadong sektor na ganito rin ang gawin, at maging sapat na ang PhilID bilang pruweba ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Mayroon rin itong PhilSys Card Number (PCN), diffractive optically variable image device, QR (Quick Response) code at PhilSys Number (PSN) Microprint para sa seguridad ng mga impormasyong nakasaad dito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.