Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Philippine Mining Act, hinirit palitan ng bagong batas

0 243

Nanawagan ang Simbahang Katolika sa Kongreso na buwagin ang umiiral na Philippine Mining Act of 1995 para palitan ng bagong batas na akma para sa kalikasan sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminza, vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace CBCP-NASSA/Caritas Philippines),

dapat nakasentro sa ilalatag na bagong batas ang pagsusulong ng sustainable development, disaster risk reduction at climate adaptation bilang proteksyon sa kalikasan ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ng Obispo na nangangamba ang Simbahang Katolika sa muling pagbabalik-operasyon ng 26 minahan sa bansa na sinuspindi at ipinasara ng yumaong si Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Gina Lopez noong 2017 dahil sa paglabag sa environmental standards at Philippine Mining Act of 1995.

Upang maiwasan ang pagdududa sa paraan ng pag-apruba sa mga magbabalik-operasyon na minahan, inirekomenda ng Obispo sa DENR na magtalaga ng third party group na magpapatunay na sumunod sa patakaran ang mga ito at mapapanagot sa batas ang mga mining firm na nakakapinsala sa kalikasan. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.