Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Philippine Road Race squad kumpleto na

0 35

KUMPLETO na ang National Road Race squad na bubuuin ng mga miyemro mula sa Philippine Navy-Standard Insurance (PNSI), Gold for Gold at 7-11 Road Bike Philippines matapos ang dalawang araw na Philippine National Trials Road 2021 sa Clark Freeport Zone.

Winalis ng PNSI ang nakatayang ginto, pilak at tanso sa Men’s Elite Road Race sa pagwawagi nina Ronald Oranza (3:18:25.80), Georege Oconer (3:18:32.15) at Ronald Lomotos (3:18:35.23) habang wagi sa women’s event sina Kate Jasmin Velasco (2:15:18.62), Avegail Rombaon (2:15:19.38) at Mathilda Krogg (2:15:18.75).

Pinatunayan naman ni Mark John Lexer Galedo ng 7-11 sa itinalang 32:02.2 oras na siya pa rin ang hari sa Men’s Elite Individual Time Trial. Ikalawa si John Mark Camingao (32:28.0) at ikatlo si Joey Delos Reys (33:00.3).

Si Kate Jasmin Velasco ng PNSI ang reyna sa ITT sa 27:52.8 oras habang ikalawa si Marianne Dacumos (28:15.0) at ikatlo si Maura Delos Reyes (28.35.5).

Napunta sa Gold for Gold ang ginto sa Men’s Elite Criterium sa panalo ni Dominic Perez na nagtipon ng 13 puntos kasunod sina Steve Hora (10 puntos) at Ronnel Hualda (10 puntos).

Wagi naman sa Women’s Elite Crtierium si Mathilda Krog (27 puntos) para sa ginto habang pilak si Kate Jasmin Velasco (17 puntos) at tanso kay Avegail Rombaon (6 puntos).

Sa kabuuan ay naiuwi ni Velasco ang dalawang ginto at isang pilak habang isang ginto at tanso kay Krogg at Rombaon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.