Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Philracom-PSA Cup lalarga

0 88

Pararangalan ng Philippine Racing Commission at ng Philippine Sportswriters Association si dating Manila Mayor Gemiliano Lopez, Jr. sa pagdaraos ng itataguyod ng Philracom na PSA Cup ngayong Biyernes (Hunyo 24) sa San Lazaro Business and Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nasa pitong kabayo, sa pangunguna ng coupled entry at mga patok na sina Truly Ponti at Dragon Butterfly ang maglalabo-labo sa pangunahing karangalan ng okasyon na magsisilbi ring pampalabok sa inaabangang pagbabalik ng Gran Copa de Manila na tampok sa ‘Araw ng Maynila Racing Festival.’

Ito ang pangalawang pagkakataon na itataguyod ang PSA Cup ng Philracom sa liderato ni Chairman Aurelio ‘Reli’ De Leon para sa benepisyo ng mga miyembro ng oldest media organization sa bansa.

Hahamon kina Truly Ponti at Dragon Butterfly sa 1,600-meter race sina Crowded Trade, Super Ninja, Darleb, Shastaloo at Time For Glory. Ang winner ng event ay mag-uuwi ng P300K, samantalang ang segunda ay mayroong P112,500 at ang tersera ay may P62,500. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.