Abante Tonite Interactive

Philracom, PVL, SMB sa PSA Forum

238

Jampacked ang mga special guest sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes, Mayo 21, sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo sa Malete.

Isa sa bibida si Philippine Racing Commission (Philracom) chairman Andrew A. Sanchez kung saan ibabahagi ang mga magaganap sa Mayo 26 na karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kasama ang San Miguel Corp., Braska Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang tagahatid nito, present rin sa talakayan sina Premier Volleyball League (PVL) superstars Alyssa Valdez, Myla Pablo, Jovelyn Gonzaga, Dzi Gervacio at league lresident Ricky Palou para isiwalat ang 3rd PVL Reinforced Conference 2019 sa May 26 din sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

‘Di magpapahuli sa forum ang five-time PBA Philippine Cup champions San Miguel Beer. (Janiel Abby Toralba)