Abante Tonite Interactive

Philracom/RCMB official, Manila inayudahan ang BT

165

Nagsanib puwersa sina Philippine Racing Commission Executive Director/Rotary Club of Manila Bay (RCMB) President Andrew Rovie Buencamino at Manila City Mayor Francisco Domagoso para palakihin ang housing complex ng Boys Town sa Marikina.

Pumirma ng isang memorandum of agreement ang City of Manila, na may ari ng Boys Town, at Philracom/RCMB official kamakailan para mapalaki ang bahay ampunan.

“We are grateful that private sector organizations heeded to our call for help,” wika ni Domagoso nang makaharap si Buencamino.

Isang non-profit orphanage ang BT para sa mga taong walang tahanan, abandonado, at voluntarily surrendered children, teenagers at senior citizens sa punong lungsod ng bansa.

Batay sa kasunduan, magbibigay ang siyudad ng Maynila ng 4,000-square meter property sa Narra Blvd. upang makapagtayo ng limang housing unit para sa mga nagkakaedad.

Hinirit ni Buencamino na magbibigay ang RCMB ng P12.5M para sa proyekto.
“We proposed a project to the City of Manila through our good Mayor for the improvement of Luwalhati na Maynila,” saad niya.

Ibinahagi rin ng mga opisyal na may 320 elderly ang nasa BT sa tulong ng City Government. (JAT)