Abante Tonite Interactive

PhilSports bubuksan sa mga Para-athlete

210

Binuksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang bagong gawang PhilSports Complex sa Pasig City upang magamit ng mga national para-athlete o differently-abled athlete sa kanilang training para sa 10th ASEAN Para Games sa Marso 20-28.

“The renovations done in both Rizal Memorial Sports Complex and in PhilSports Complex are primarily for our elite athletes,” paliwanag ni PSC Chairman William Ramirez nitong Biyernes.

May ilang linggo pa bago makumpleto ang konstruksiyon at maisagawa ang opisyal na turnover, pero nagdesisyon na ang PSC na agad buksan ang PhilSports bilang suporta sa mga national para-athletes na patuloy na naghahanda para sa nalalapit na 11-nation, biennial sportsfest
“Our national para-athletes are inspired to work harder as they use the new facilities inside Philsports. We thank the PSC for supporting us,” reaksiyon naman ni Philippine Paralympic Committee Executive Director Dennis Esta.

Kasalukuyan nang nasa matinding pagsasanay sa nasabing mga pasilidad ang athletics, power-lifting at sitting volleyball.

Idinagdag ni Ramirez na sa tulong ng New Clark City, pinayagan ang beme­dalled para-swimmers na sina Ernie Gawilan, Garry Bejino at ang buong swimming team na makapagsanay sa Class-1 FINA-certified swimming facility sa Capaz, Tarlac sa huling linggo ng buwan.

“We want to duplicate the same success Team Philippines had taking top rank of the 30th SEA Games. The PSC will continue to give its full backing to the more than 280 national para-athletes competing in the Para Games,” panapos na saad ng opisyal. (Lito Oredo)