Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilSports, RMSC idi-disinfect

0 243

Masinsinang lilinisin o idi-disenct ng Philippine Sports Commission ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PhilSports Complex sa Pasig sa posibilidad na nalalapit na pagbabalik sa training ng apat na qualified athletes at ilang aspirante para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Dagdag pahayag ito noong Miyerkoles ng hapon ni PSC Chairman’s Office Chief of Staff at Philippine Sports Institute (PSI) National Training Director Marc Edward Velasco.

Unang sinabi ni PSC Officer-in-Charge, Commissioner Ramon Fernandez na hihilingin ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC) sa Inter Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang balik-training ng ilang Olympic-bound at Tokyo hopeful athletes. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.