Abante Tonite Interactive

Phisgoc-Cayetano nakabawi sa pabolosong SEAG opening

0 236

Pinuri ng Palasyo ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na pinamumunuan ni chairman, House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa trabahong tinuring na “exceedingly well done,” matapos ang kamangha-manghang makulay na opening ceremony ng PH 30th SEA Games 2019 nitong Sabado sa Philippine Arena sa Sta. Maria-Bocaue, Bulacan.

“The opening cere­mony of the 30th SEA Games was a sight to behold,” sabi ng Malacañang. “Undoubtedly, the ceremony demonstrated the redoubtable ability of the Philippines to host the biggest sporting events in the world and entertain our foreign guests with the kind of merriment that we Filipinos excel and are famous for.”

Napabilib din ang mga pinuno ng ilang National Olympic Committees kagaya nina Malaysian Olympic Committee President Mohamad Norza Zakaria at Indonesian NOC chief Raja Sapta Oktohari sa pagsisikap ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at ng bansa sa pagkakaroon ng lakas ng loob na mag-host nang pinakamalaking SEAG sa kasaysayan na may 56 sports.

Kahit ang mga atleta mula sa ibang nasyon ng Asean ay pinuri ang mga pasilidad sa Athletes’ Village at New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Pinuri din nila ang mga performers at ang lokal na media outfits, mga manunulat at mga bloggers “for reporting with accuracy the success of the ceremony” sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest na aabutin pa hanggang Disyembre 11.

“For us, this cere­mony should remind us that with unity, camaraderie and support, #WeWinAsOne,” dagdag pa nito.

Dahil sa 49 na medalyang nakamit na ng bansa sa mga oras na ito, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa SEA Games’ medal tally na mayroon ng 25 gold, 15 silver, at 9 bronze—kung saan nalagpasan na nito ang sariling 24-gold medal output mula sa 2017 edisyon ng regional sports meet nang pumang-anim na puwesto.