Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phisgoc-Cayetano talupan sa korapsyon

0 147

Bukas ang Malacañang na magsagawa ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga alegasyon ng korapsyon laban sa Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc).

Ang Phisgoc na pinamumunuan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ay siyang organizer sa pag-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong 2019.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag bilang reaksyon sa mga panawagan na imbestigahan ang pondo ng gobyerno na ginamit para sa pagdaraos ng 30th SEA Games sa bansa.

Sinabi ni Roque na batid umano nila na bumuo na ng isang panel ang tanggapan ni Ombudsman Samuel Martires para magsagawa ng kaukulang imbestigasyon.

“We note that the Office of the Ombudsman (OMB) has already created a panel last year to carry out a fact-finding probe in our hosting of the 2019 SEA Games,” pahayag ni Roque nitong Linggo.

“We welcome this move of the OMB in the same way that we leave the matter to the House of Representatives to conduct an investigation, if need be, on the use of government funds during last year’s SEA Games,” aniya pa.

Subalit umaasa rin umano siya na hindi magkakaroon ng “political witch hunt” kapag nag-imbestiga ang Kamara alang-alang na rin sa ating mga atleta na pinakita ang kanilang husay para maging matagumpay ang nasabing sporting event. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.