Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phisgoc kinasuhan ng POC

0 141

Kinasuhan na ng pito katao na mayoryang miyembro ng council o board ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) dahil sa kabiguang ilitaw ang 30th Southeast Asian Games PH 2019 P6B audited financial expenses.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinampa Miyerkoles ang cil case nina POC chairman Stephen Hontiveros ng handball, first vice president Jose Romasanta ng volleyball, second vice president Antonio Tamayo Jr. ng soft tennis, treasurer Julian Camacho ng wushu, auditor Jonne Go ng canoe kayak, at board members Roberto Mananquil ng billiard, at Jesus Clint Aranas ng archery.

“Malinaw na hindi sumunod ang Defendant (Phisgoc) sa obligasyon na nilagdaan sa Tripartite Agreement kasama ang POC at Philippine Sports Commission (PSC),” saad sa kopya ng kaso. “Hindi sila naggsumite ng anumang kailangang report bago at pagkatapos ng paligsahan.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.