Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phisgoc ni Alan imbestigahan

0 161

Paiimbestigahan ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco ang Philippine SEA Games Organization Committee (Phisgoc) na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa diumano’y mga anomalya sa pag-host ng 30th Southeast Asian Games.

Ito’y matapos hamunin ni Cayetano si Velasco na imbestigahan ang Phisgoc sabay sabing magbibitiw siya o maaari siyang ipakulong ng Marinduque congressman kapag napatunayang mayroong mga anomalya ang Phisgoc.

“Natawa nga po ako sa sagot ni Congressman Velasco, ‘Mr. President, gusto ko ngang paimbestigahan ‘yong Phisgoc eh.’ Sabi ko, ‘Mr. President paimbestigahan n’yo po dahil wala kayong makikita’,” pahayag ni Cayetano sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles.

SM food to go Banner Ad

Nakipagkita sina Cayetano at Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ng gabi tungkol sa isyu ng speakership sa Kamara.

“Ngayon pa lang hinahamon ko si Congressman Velasco—paimbestigahan mo. ‘Pag may nakita kang anomalya, hindi lang ako magre-resign—ikulong mo ako. Pero ‘pag wala kang nakitang anomalya, ikaw mag-resign,” sabi pa ni Cayetano.

Kabilang sa naging isyu sa paghawak ng Phisgoc sa 30th SEA Games ay ang P50 milyong cauldron o kaldero na ginamit sa pagbubukas ng torneo.

Dinepensa ni Cayetano na hindi sobra-sobra ang ginastos sa cauldron dahil dinisenyo iyon ng national artist at mas mura kung ikukumpara sa pinagawa ng Singapore. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.