Abante Tonite Interactive

Phisgoc ni Alan patuloy ang sablay sa SEA Games

1,072

Idagdag na ang mga shooter ng East Timor sa nakalasap nang masaklap na karanasan kaugnay sa pagho-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 na pinangangasiwaan ni House Speaker Alan Peter Cayetano bilang chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee.

‘Di lang ang men’s football team ng East Timor ang nakalasap ng nakakadismayang ekspiriyensa pagdating dito para lumahok sa 11-nation, 12-day sportsfest Lunes nang umaga kundi pati rin ang mga alteta sa shooting.

Kinumpiska ng Bureau of ­Customs ang mga dalang baril ng Timorese athletes na siyang gagamitin sa ­rifle event ng SEAG dahil sa ­kawalan ng mga kaukulang permit.

Nakatakdang isagawa ang mga event ng shooting sa Subic Firing Range sa ­Zambales at sa Fort Bonifacio, Taguig.

Inirereklamo naman ng mga ­dayuhang mamamahayag ang kawalan ng mga importanteng mapa, direksiyon, at mga babasahin para mapuntahan ang kanilang ninanais na i-cover na event sa ­paglalabanang kabuuang 56 sports sa iba’t ibang parte ng Luzon.

Wala ring makuha na anumang ­impormasyon sa website ng paligsahan ang mga media tulad ng mga resulta, oras ng shuttle, at schedules pati na rin ang mga oras na makakapanood ng mga laro sa TV at sa mismong mga ­competition venue.

Inirereklamo rin ng mga foreign press ang paniningil ng US$300 sa kanila para sa mga sasakyan o car pass upang makapasok sa mga playing venue sa New Clark City Sports Complex.

Nito lang linggo, kaaawa ang iba’t ibang foreign delegations na mga nagdaratingan na sa bansa at ­nabiktima rin ng kapalpakan ni Cayetano at Phisgoc.

Ilan dito ay ang Cambodia, Myanmar, Thailand at PH women’s football team din.

Mga mga nag-aantay nang matagal sa airport, natulog sa carpet, nahirapang mag-check in sa hotel, naligaw, paulit-ulit na pagkain, kakulangan ng tubig, ­maling pangalan sa mga ID at iba pa. (Lito Oredo)