Abante Tonite Interactive

Phisgoc pinaplantsa ang eSports

145

Isinagawa ang isang planning workshop para sa 2019 SEA Games eSports National Federations ng Philippine SEAG E-Sports Union (PSEU), Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) at Asian Electronic Sports Federation (AESF) para mapinalisa ang mga detalye, game structure at mechanics para sa pagsasagawa ng eSports events bilang parte ng makasaysayang pagkakasali na medal event sa 30th SEA Games.

Sa liderato ng PSEU at Phisgoc chair na si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang Pilipinas ang unang bansa na magsasagawa ng eSports na torneo bilang medal event sa multi-sport na kompetisyon.

“We need to prepare. That’s why my challenge to them was: We plan as one and prepare as one, so that we can win as one,” sabi ni PSEU at Phisgoc chair Cayetano sa isinagawang workshop.

Abante Hiring – IT dep

Ang Team Razer, na 30th SEA Games eSports official partner ang nagsagawa sa workshop at nagpaliwanag sa gagamitin na game structure at partisipasyon ng mga koponan para sa pagsagawa ng estado ng local qualifier, Razer bootcamp at training structure at test event bago ang SEA Games pati na rin sa venue walk-through para sa pagsasagawa nito sa SEA Games 2019.

Ilang personahe sa eSports ga­ming na kinabibilangan nina PSEU Co Vice Chairmen Ramon Suzara at Chot Reyes, Sebastian Lau na Director General of Asian E-Sports Federation, David Tse na Global E-Sports Director ng Razer, Cherry Xia na Vice President ng Moonton, Allen Hsu na Regional Head ng Garena at presidente ng walong e-sports National Sport Associations mula sa Cambodia, Malaysia, Singapore, Thailand, Indonesia, Laos, Myanmar at mula sa Pilipinas ang lumahok sa workshop.