Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phivolcs: Bulkang Kanlaon wala pang senyales na sasabog

0 92

Bagamat patuloy sa pag-aalburoto ang Bulkang Kanlaon, wala pa naman umanong senyales na may magma nang umaakyat sa crater nito, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo.

Ayon kay PHILVOCS Director Renato Solidum Jr., may nagaganap na aktibidad sa Kanlaon Volcano ngunit sa ngayon ito ay nananatiling nasa Alert Level 1.

Sinabi pa ni Solidum na nakapag-rehistro pa ang bulkan ng mas maraming volcanic earthquakes sa nakalipas na tatlong araw at ang sulfur dioxide gas level nito ay umakyat din.

Gayunman ay binalaan ni Solidum ang mga residente na huwag nang magtangka pang pumasok sa apat na kilometrong permanent danger zone ng bulkan dahil ito’y mapanganib.

Batay sa 8:00AM volcanic bulletin nitong Linggo, sinabi ng PHILVOLCS na nakapagtala sila ng pitong volcanic earthquakes sa nakalipas na 24-oras. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.